Today's Decisions Determine Who You'll Be Tomorrow/tl
From Gospel Translations
Ang mga sumusunod na impormasyon ay kinuha sa sinabing pagtitipon.
Pangunahing Punto
Kung sino ka sa hinaharap ay nakadepende sa iyong ginagawa ngayon bilang isang kristiyano. Ikaw ba ay taga-sunod nang Panginoon o taga-sunod nang iyong mga gusto, naka- depende sa kay Kristo o naka- depende sa sarili? Ang mga maliliit na mga desisyong ito ang magsasabi kung anong klaseng tao ka sa hinaharap.
Ang Buhay ay Binubuo ng Maraming Maliliit na Desisyon
Ang endurance ay nangangahulugang pasunod sa pananampalataya na alam ang patutunguhan. Ang pagkawala ng direksyon o patutunguhan ay resulta ng maraming maliliit na maling desisyon. Dapat nating tingnan at tanungin ang sarili kung ang ating mga ginagawa ay nakakatulong para si Kristo ang maging sentro ng ating buhay. Masasabi ring ang tunay na espiritwalidad ay ang pagkaroon ng disiplina sa sarili sa espiritwal na aspeto.
Ang 2 Timoteo 2:3-7 ay nagsasabi na ang sundalo, atleta, at magsasaka ay dapat may disiplina sa sarili kung gusto nilang magawa ng maayos ang kanilang gawain. Dapat ganito din tayong mga kristiyano. Ang buhay kristiyano ay nangangailangan ng tiyaga at disiplina, tiyagang nanggaling sa Panginoon ( Kolosse 1:29). At ang tiyagang ito ang mag bibigay sa atin ng bungang di-panandalian.
Ang Mga Praktikal Na Implikasyon
Ang Romano 6:12-14 ay nagsasabing importante ang disiplina sa sarili para tayong mga nananampalataya kay Kristo ay maging katulad Niya sa mga gawa. Mayroon tayong pagpipilian kung kanino natin ibibigay ang ating mga sarili. Ang Romano 12:1-2 ay nagsasabing dapat nating ibigay ang ating sarili at isip sa Panginoon. Palagi tayong nanghihinayang sa kung paano natin ginagamit ang ating oras ( hal. sobrang panood ng TV), pero narasan mo na bang matapos basahin ang Bibliya at nanghinayang ka sa huli?
Pahalagahan natin ang ating oras sa pamamagitan nang paggamit nito sa makabuluhang gawain. Magbasa ng Bibliya at iba pang libro na makakatulong sa iyong buhay kristiyano. Pag-usapan sa pamilya ang mga natutunan mula sa mga binasa. Pahalagahan ang oras para magamit sa mga gawaing makabuluhan at para maging isang taong gusto mong maging sa huli.
Gawin ang langit na motibasyon ( 2 Pedro 3:13). Magpakumbaba para malampasan ang mga pagsubok ( 1 Pedro 4:12). Sundin ang yapak nang mga naunang natapos tulad nina Jim Elliot at ng kanyang kapatid na si Burt. At isapuso kung ano at sino ang gusto mong maging sa hinaharap at manalangin na iyon ay ipagkaloob ng Panginoon.